Taon at taon na ang nakalipas
Sa isang kahariang nasa tabing dagat,
May isang dalaga na maari mong kilala
Sa pangalan na Annabel Lee.
At ang dilag na ito’y namuhay ng walang ibang inisip,
Kundi ang umibig at aking ibigin.
Ako ay musmos at siya nama’y ganon din,
Sa kahariang itong nasa tabing-dagat,
Ngunit kami ay umibig ng pagsintang higit pa sa pag-ibig—
Ako at ang aking Annabel Lee,
Ng pag-ibig na pati mga anghel sa kalangitan ay tila nais kaming kunin.
At ito ang dahilan, kung bakit, maraming taon na ang nakalipas,
Sa kahariang ito na nasa tabing-dagat,
My hangin na umihip mula sa mga ulap at lumamig
Sa aking marikit na Annabel Lee.
Kung bakit dumating ang kanyang mararangyang kamag-anak
At inilayo siya mula sa aking piling
Upang ikulong siya sa isang himlayan
Sa kahariang ito na nasa tabing dagat
Ang mga anghel, na hindi nakaranas ng ligayang tulad n gamin, and nainggit sa kanya at sa akin-
OO!!—ito ang dahilan (at alam ito ng lahat, sa kahariang ito na nasa tabing dagat)
Na may hangin na tumakas mula sa mga ulap isang gabi,
Na lumamig at kumitil sa aking Annabel Lee
Ngunit ang aming pagibig ay mas matatag kaysa sa pagsinta ng mas matatanda pa sa amin—
Kaysa sa mga mas matatalino kaysa sa amin—
At hindi ang mga anghel sa kalangitan,
O mga demonyo sa ilalim ng karagatan,
Ang kayang magwaglit ng aking kaluluwa sa kaluluwa ng marikit na Annabel Lee.
Pagkat ang buwan ay hindi sumisinag ng hindi ko napapanaginipan
Ang marikit na si Annabel Lee,
At ang mga bituin ay hindi sumisikat ng hindi ko nadarama ang kislap ng mata ng marikit na si Annabel Lee;
At dahil dito, gabi-gabi, ako’y humihimlay sa tabi,
Ng aking irog- aking sinta—aking buhay, aking asawa,
Sa isang himaayan sa tabi ng dagat,
Sa kanyang libingang katabi ng maugong na dagat..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment